Tuesday, June 15, 2010

PINAKAMALIIT NA ISDA SA BUONG MUNDO

Noong unang panahon, may mag-asawang Hari at Reyna sa pampang ng kanilang lawa ng Buhi. Sila ay nagtayo ng magandang palasyo. Sila ay kina-iingitan ng ibang Hari. Mahal na mahal ng Hari ang Reyna, dahil dito anuman ang hilingin nito ay pilit na sinusunod ng Hari. Ilang panahon na ang nagdaan ang kanilang matamis na pagsasama ay naglihi ang Reyna. Iba’t-ibang pagkain ang hiniling ng Reyna at ito naman ay ibinigay ng Hari, ngunit pagkakita ay pinalalayo at tinatanggihan dahil ito ay hindi niya gusto. Dahil dito ang Hari ay naguguluhan at halos mabaliw. “Kumuha kayo ng lahat ng uri ng pagkain at mga iba’t-ibang uri ng bungangkahoy,” utos ng Hari sa kanyang mga kawal. Ito naman ay tinupad ng mga kawal at ang buong kaharian. Lumipas ang mga araw nangyayat ang Reyna at nagkasakit. Isang araw na napangiti ang Reyna nang makita ang bunton ng mga hinog na suha at naninilaw pa ang lahat. Nagtalop ang Hari, at nang nabuksan, nakita ng Reyna ang mga butil ng suha. Siya’y natakam at kumain. Nasarapan ang Reyna sa katas nito at ang karamdaman niya ay gumaling. Tuwang-tuwa ang Hari at umasa na di magtatagal ay magkakaroon din ng tagapagmana ang kanyang kaharian.

Isang gabi, isang malakas na bagyo ang dumating. May kidlat at kulog, lumaki ang tubig at sinundan pa ng malakas na lindol. Ilang araw din na nagsungit ang panahon at umapaw ang tubig sa paligid ng palasyo na para bang isang delubyo. Sa wakas tumigil din ang bagyo. Ang mga tao ay nagtaka dahil nakita nila na ang lawa ng Buhi ay punong-puno ng maliliit na isda na noon pa lang nila nakita. Ipinaalam nila ang kanilang nakita sa mag-asawang Hari at Reyna. “Naalala ba ninyo,” sabi ng Hari na natatawa, “noong nagdaang buwan, bago pa bumagyo at lumindol, isang bungang-kahoy ang nagustuhan ang Reyna. Ito ang suha. Kinain niya ito, sinipsip ang masarap at matamis na katas at ang sepal ay dito sa lawa na ito itinapon. Walang salang nagbinhi ang mga sepal ng suha at sumigaw ang pagkaliliit na isdang ito. Tingnan nioy,” sabi ng Hari. “Pagmasdan ninyong mabuti at makikitang ang maliit na katawan ng isda ay kahugis ng butil ng suha.” Magbuhat noon, ang maliliit na isdang ito ay naglipana sa lawa ng Buhi, sa Camarines Sur sa parting Bicol.