Sa isang nayon sa Bulakan, maraming-maraming taon na ang nakalilipas.
Mutyang-mutya sa mag-asawang Indo at Bebang ang kanilang kaisa-isang anak. Hangga’t maaari’y ayaw nilang pagawain ng anuman si Ana. Subalit ang likas na masipag na dalaga’y hindi nila mapigil tumulong sa mga Gawain sa bukid at sa loob ng bahay.
Palibhasa’y maganda, mabait at may-loob sa Diyos di-mabilang ang mga tagahanga ni Ana. Isa sa kanyang masugid na talisuyo ay si Aguedo.
Ulila nang lubos si Aguedo. Masipag siya, mabuting makipagkapwa, at mapagkumbaba. Hindi nga lamang siya kagandahang lalaki. Aging ang palayaw niya.
Mataas ang pangarap ni Mang Indo para sa kanyang “Prinsesa”. Ang nais niyang maging manugang ay isang binatang makisig at kung mangyayari’y anak-mayaman. Subalit si Aging din ang napili ni Anang pag-ukulan ng kanyang pagtatangi. Panakaw ang kanilang pag-uusap. Sa huli nlang pagniniig ay napagkasunduan nilang pagkatapos ng pag-ani, sa kabilugan ng buwan, ay pakakasal sila.
Galit nag alit si Mang Indo nang mabatid ang katotohanan. Mahigpit niyang iniutos sa anak na makipagkasira kay Aging.
“Patawarin ninyo ako, Ama, kung din rin lang si Aging ang makakaisang-palad ko’y magpapakatanda na akong dalaga.”
Nagsawalang-imik si Mang Indo. Ngunit umisip siya ng ibang paraan.
Isang gabing maliwanag ang buwan, samantalang nag-uusap ang magkasuyo sa tabi ng bintana ay bigla na lamang napaaray si Aging. Tinagpas ang kanyang kamay. Naputol yaon, Hinimatay si Ana.
Hindi naman nasiraan ng loob ang binata. Agaran niyang tinalian ng leteng ang itaas ng dumudugong bisig upang maampat ang daloy ng dugo. Gayunman siya ay nahilo sa dami ng dugong nawala. Nang muli siyang dumilat ay nasa kandungan na siya ng lumuluhang kasuyo.
“Sino kayang walang puso…ang tumasa sa’yong kamay?” humihikbing wika ni Ana.
“Baka i-isang ..k-karibak ko…”mang mahinang turing ng binata.
Wala silang kakutub-kutob na si Mang Indo ang tumagpas sa kamay ni Aging.
G-giliw,’ halos pabulong nang sabi ni Aging, “Kung sa-ka-ling… may mangyari… sa akin… ku-kunin mo’t …ingatan ang… a-aking p-puso!”
Lalong nag-iiyak si Ana. “Hindi! Hindi ka mamamatay, mahal ko!”
Datapwat patay na si Aging nang dumating ang albularyo. Natupad din ang kanyang habilin. Kinuha ang kanyang puso at isinilid sa isang garapon. Samantala, ang naputol na kamay ay itinago ni Ana.
Nang umuwi si Mang Indo at nakita ang pusong nasa garapon ay nagalit siya. “ayokong makita ‘yan dito! Itapon n’yo !” aniya.
Palihim yaong ibinaon ni Ana, kasama ang putol na kamay, sa tapat ng kanilang bintana.
Kinabukasan. Buong pagkamanghang nadungawan ni Ana ang isang naiibang halaman sa tapat ng kanilang durungawan. Ang mga bunga niyon ay dikit-dikit ay walang iniwan sa mga darili ni Aing. Sa dulo ng buwig ay nakalwait ang isang bagay na hugis-puso at alanganing pula at tila ang kulay.
“A, si Aging! Si Aging!” pahimutok na naibubulalas ni Ana.
“Anong siyaging?” magkapanabay na tanong ng nagulat na ama at ina.
“Si Aging ho. Hayun! Ang kanyang kamay! Ang kanyang puso!”
“Tawagin natin Siyaging ang halamanng ‘yan,” ani Aling Bebang.
Noong una’y walang ibig kumain sa bunga niyon. Ngunit nang lumaon may tumikim at nasarapan. At, nang lumaon, ang Siyaging ay nauwi na lamang sa SAGING.