“Kumusta, kaibigang Unggoy?” bati ni Kambing.
“Mabuti,” matamlay na tugon ni Unggoy.” Kaya lang, niloloko ako ng punungkahoy na ito!” at itinuro ang isang malapit na puno.
“Bakit, anong ginawa sa ioy?” nagugulumihanang usisa ni Kambing.
“Pinalo ako ng kanyang mga sanga. Saka pagkatapos ay pagtatawanan.” Ang akala ni Unggoy ay magagalit si Kambing at ipagtatanggol siya. Pero hindi kumikibo si Kambing.
Pamaya-maya ay nagsalita si Kambing. “Alam mo, kung ako ikaw e hindi na ako kikibo. Sino ang mapapagod sa ginagawa niya, e di siya rin! Basta layuan mo na lang siya.”
“mabibigo yata ako,” sumaloob ni Unggoy. Pagkaraan ng ilang sandali ay tila may naisip na paraan upang pagalitin sa Kambing. Kunwa’y pinalaki ang dibdib at ang turing, “Mas mabuti ang merong karangalan! Kung lolokohin ka lang ng iba, mabuti pang mamatay ka na! kaya hindi ko mapalalampas ang ginawa ng punong iya. Maging ikaw man!”
“Ako mna?” pabiglang sagot ni Kambing. “At bakit? Ano’ng sinasabi niya tungkol sa akin?”
“Masyado ka raw mayabang. Ipinagmamalaki mo raw iyang sungay mo na balewala naman! Babaliin daw niya ang sungay mong iyan!”
Nagalit si Kambing. Na lihim na ikinatuwa ni Unggoy. Mapalalampas ni Kambing na maloko ang iba pero hindi siya. Wala pang nakasasalbahe sa kanya kahit sino. Saka ngayon, isang punungkahoy lang na hindi makalakad at ni hindi makatakbo, ay pagsasalitaan siya ng ganoon! Nagpapanting na hinarap ni Kambing ang punongkahoy. “Sinabi mo nga ba iyon?” tanong ni Kambing sa puno.
Niglang umihip ang hangin. Gumalaw-galaw ang mga sanga ng punongkahoy. At parang tumawa ito nang gumawa ng ingay ang mga sanga at daho. Lalong nagalit si Kambing. Ang akala ay talagang niloloko siya ng punongkahoy. Mabilis na yumuko at sinugod ang puno. Malakas na sinuwag ito. Subalit matigas ang puno. Ni hindi siya naano. Ang sungay ni Kambing ang nabali. Nagtawa ang Unggoy sa nakita. Napinsala niya si Kambing na lihim na kinainggitan dahil sa sungay nito. Wala na, bali na ang sungay ni Kambing.
Nagkataon namang sa darating
Ipinagtapat ni Kambing ang lahat. Wala siyang ipinaglihim.
Nang matalos ni baboy ang dahilan ay nagalit kay Unggoy kaya hinabol ito ng kagat. Pagkatapos, nang wala na si Unggoy, ay bumalik uli kay Kambing at ang sabi, “Tandaan mo, mula ngayon, huwag kang makikinig nang basta-basta sa sabi-sabi. Kailangan munang mapatunayan. Hindi mo baa lam na kaya lang sinabi ni Unggoy ay naiingit sa iyo?”
“Ganoon ba?” nabigkas ni Kambing.
“Oo, matagl ba. Kaya magtanda ka na mula ngayon. Ang nangyari sa iyo, ay magsilbi sanang isang aral.”