Tuesday, April 5, 2011
Ang Alamat ng Plantsa
Noong unang panahon my mag-asawang naninirahan sa di kalayuang kanto ng Quezon Ave, sa may bandang kanan ng J.P. Rizal, Ito ay sina Domingo Augusto Marikit Dimalasahan short for Joey at Maria Alicia Constancia Amerigue Pasubali Dimalasahan, short for Cloey, sila ay namumuhay ng tahimik at marangyang buhay bilang magasawa na may anim na anak,. Sila ay sina Procorpio, Lagdameo, Amador, Nicanor, Toriano at Silbio, pawang kalalakihan at walang alam sa gawaing bahay. Si Mang Joey ay matalinong tao at nagtapos ng kursong BSC, Bachelor of Sicence in Cosmetics, 6 months lang yun sa CEU, Cosmetic Engineering University, ngunit hindi nya ginampanan ang kanyang propesyon bilang manikurista at sa ngayon ay isa na lang panadero sa may malapit na bakery sa kanilang kanto at doon ay nagbebenta rin siya ng dyaryo. Araw araw syang nag bebenta ng dyaryo, ngunit sa hirap ng buhay ay walang bumubili ng kanyang paninda, ang mga nagdaraan sa bakery ay tinitingnan lang ang nilalalaman ng dyaryo at ang iba naman ay nakikibasa lang kayat nagugusot ang mga ito hanggang sa tuluyan ng hindi mabenta. Malaki ang nalulugi sa kanya dito kayat nagisip sya ng paraan upang mabenta ang mga dyaryo nyang gusot, Isang gabi, naisip nyang gumawa ng isang bagay na naglalabas ng init at kayang mag alis ng gusot ng kanyang dyaryo at tinawag nya itong tala-alisan ng gusot N-4 series, at dahil sa pagod ng gabing iyon ay natulog na sya. Nang sumapit ang bukang liwayway, ginising ni Aling Cloey ang kanyang mga anak upang pumasok sa eskwela, at noong panahon na yun ay wala pa talagang plantsa kayat mga gusot ang uniporme ng kanyang mga anak, ang di nya alam uso na noon ang plantsa na ang tatak ay Standard wala lang talaga silang pambili ng time na yun. Sa pagnanais na maging presentable ang kanyang mga anak ay humanap sya ng paraan upang maalis ang sobrang pagkakagusot ng damit ng kanyang mga anak at dito nya nakita ang tala-alisan ng gusot N-4 series at ginamit nya sa damit ng kanyang mga anak habang ito ay suot nila, Natuwa sya sa naging resulta, pulido at nawala ang mga gusot ng damit, ang hindi nya alam may 3rddegree burn na pala ang kanayang mga anak at nauwi ito sa kamatayn ng anim nilang anak. Dahil sa trahedya dito naisip ng magasawa na gumawa ng kabayo para magsilbing patungan ng mga paplantsahin, ito pala ay ang alamat ng kabayo at hindi plantsa. Sumunod na dito ang alamat ng plantsa, dahil sa pagkakaimbento ng tala-alisan ng gusot N-4 Series di naglaon ay marame na ang gumagamit nito at ginagamitan na rin ng kabayo kaya upang magbigay galang kay Mang Joey na syang umimbento nito ay ibinase ang pangalan nito sa mga first letter ng pangalan ng kanilang anak in order, at tinawag nila itong PLANTS. At hindi pa dito nagtatapos ang alamat, dahil sa kumakalat na balita na may babae itong si Mang Joey at may anak daw ito sa labas na nagngangalang Alfredo, idinugsong ang first letter ng pangalan ng kanyang anak sa labas sa kanyang naimbento na tala-alisan ng gusot N-4 series, kaya tinawag na ang PLANTS ngayon bilang PLANTSA.
Labels:
alamat,
alamat ng plantsa,
mga alamat,
plantsa
Thursday, March 31, 2011
wild ones:Chameleon in action
Chameleon:
Some people say its ability is useless but when you use it wisely it can be a power fill pet.With its high amount of health and the ability tongue grab,you can pull the toward a cliff or pull them at a mine or even pull a pet closer to another pet and shoot.....
Just a reminder no pet is useless in battle but the player is the one!!!
Labels:
chameleon,
pet,
skin care tips,
tricks,
wild ones
Subscribe to:
Posts (Atom)