Saturday, June 26, 2010
Friday, June 25, 2010
Astro boy: The video game
civilization revolution
Thursday, June 24, 2010
Onin’s Perspective On The Go
Tuesday, June 15, 2010
ANG ALAMAT NG MAALAT NA DAGAT
Noong unang panahon, ang mga tao sa silangan ay nagpupunta pa sa kanluran upang makipagpalitan ng kalakal. Ang mga katutubo sa silangan ay maraming asukal na naimbak. Ito ang ipinamamalit nila upang makakuha naman ng asin. Sapagkat higit na nangangailangan ng asin ang silangan, ang mga katutubo na ang nagpupunta sa kabilang ibayo ng dagat. Ang problemang pagpunta sa kabilang dagat at iniinda ng mga katutubo. May nakapagpayong dapat magpatulong na sila kay Ang-ngalo upang mabawasan ang kanilang kapaguran.
Isang higante si Ang-ngalo. Nakikita ang mga binti niya kapag nakagiha at inilatag ang buong katawan sa karagatan. Kapag tumayo naman ang tuhod lang niya ang pinakamatirik na bundok na lapitan niya. Pero kahit isang bambuhalang higante, mabait at matulungin siya.
Napapayag ng mga tao na ilatag ni Ang-ngalo ang mga binti sa karagatan. Nanulay sa mga binti ng higante ang mga katutubo upang ihatid ang saku-sakong asukal bilang pamalit ng saku-sako ring asin na kinakailangan.
“O hayan, tumulay na kayo! Sisikapin kong hindi iligaw ang mga binti ko nang makatuloy kayong paroon at parito.”
Karga sa likod ang mga sako ng asukal, isa-isang tinalunton ng mga katutubo ang mga binti ni Ang-ngalo. Maingat na maingat sila. Takot silang madulas at malunod sa gitna ng dagat. Matagal-tagal din ang paglalakbay nila. Naibaba nila ang mga sukal sa ibayong dagat peron hindi namalayan ng lahat na may ilang sakong nabutas kaya nabudburan ng asukal ang ilang bahagi ng binti ng higante.
Totoo ang kasabihan kung saan naroon ang asukal, tiyak na patungo doon ang langgam.
Sa pagbalik ng mga katutubo na masaya na nilang dala-dala ang inangkat na mga sako ng asin. Kahit pawisan ay natutuwa sila sapagkat makababalik ang bawat isa dala-dala ang produktong labis na kinakailangan sa kabuhayan.
Hindi napansin ng lahat na sa pag-akyat nila sa binti ni Ang-ngalo ay kasabay nila ang mapupulang langgam na naka-amoy ng matamis na asukal. Kung maraming katutubo ang nanunulay na pasan-pasan ang mga asin ay marami ring langgam ang gumagapang at handing kumagat sa sinumang mabalingan.
Sapagkat lubos na sensitibo ang balay ng higanteng maramdamin, napasigaw ito na ikinagimbal ng mga tao.
“Ma…may langgam na kumagat sa binti ko. Magkapit-kapit kay!”
Nang hindi na matiis ang pangangagat ng mga langgam sa binting may katamisan ay iginalaw ni Ang-ngalo ang mga paa na ikinahulog ng luibu-libong kasama ng libu-libo ring sako ng asin.
Bagamat nailigtas ni Ang-ngalo ang mga katutubo ay lumubog lahat ng asin sa ilalim ng karagatan.
Iyan ang dahilan kaya umalat na ang dagat magmula
Ito ang alamat na pinagmulan ng kaalatan ng karagatan.
PINAKAMALIIT NA ISDA SA BUONG MUNDO
Noong unang panahon, may mag-asawang Hari at Reyna sa pampang ng kanilang lawa ng Buhi. Sila ay nagtayo ng magandang palasyo. Sila ay kina-iingitan ng ibang Hari. Mahal na mahal ng Hari ang Reyna, dahil dito anuman ang hilingin nito ay pilit na sinusunod ng Hari. Ilang panahon na ang nagdaan ang kanilang matamis na pagsasama ay naglihi ang Reyna. Iba’t-ibang pagkain ang hiniling ng Reyna at ito naman ay ibinigay ng Hari, ngunit pagkakita ay pinalalayo at tinatanggihan dahil ito ay hindi niya gusto. Dahil dito ang Hari ay naguguluhan at halos mabaliw. “Kumuha kayo ng lahat ng uri ng pagkain at mga iba’t-ibang uri ng bungangkahoy,” utos ng Hari sa kanyang mga kawal. Ito naman ay tinupad ng mga kawal at ang buong kaharian. Lumipas ang mga araw nangyayat ang Reyna at nagkasakit. Isang araw na napangiti ang Reyna nang makita ang bunton ng mga hinog na suha at naninilaw pa ang lahat. Nagtalop ang Hari, at nang nabuksan, nakita ng Reyna ang mga butil ng suha. Siya’y natakam at kumain. Nasarapan ang Reyna sa katas nito at ang karamdaman niya ay gumaling. Tuwang-tuwa ang Hari at umasa na di magtatagal ay magkakaroon din ng tagapagmana ang kanyang kaharian.
Isang gabi, isang malakas na bagyo ang dumating. May kidlat at kulog, lumaki ang tubig at sinundan pa ng malakas na lindol. Ilang araw din na nagsungit ang panahon at umapaw ang tubig sa paligid ng palasyo na para bang isang delubyo. Sa wakas tumigil din ang bagyo. Ang mga tao ay nagtaka dahil nakita nila na ang lawa ng Buhi ay punong-puno ng maliliit na isda na
ANG ALAMAT NG BAHAG-HARI
Maraming tao ang nagtataka at humahanga sa magagandang kulay ng bahag-hari. Subalit hindi nila matiyak ang totoong pinagmulan nito. Sabi ng mga matatanda na tuwing lalabas ang bahag-hari, nagbibigay ito ng pahiwatig sa tao. Makalipas ang ilang libong taon, maraming nilikha ang naghahari sa kalupaan. Ang pamumuhay nila ay naging masaya at ang bawat isa ay nagmamahalan.
Lumipas ang ilang taon, naiba ang takbo ng kanilang buhay. Naging makasalanan at gumulo ang mga tao. Naghari ang kasamaan, iilan lamang sa knaila ang naging mabubuting tao. Ang Dakilnag lumikha ay hindi na natiis ang nangyayari sa mundo. Isang araw nagpadala ito ng sugo para iparating sa mga tao na magsisi na sila sa kanilang mga kasalanan at magbago.
Hindi pinakinggan ng mga tao ang sugo na ipinadala, sa halip ay pinagtawanan at sinaktan pa ito. Ang Dakilang lumikha ay nagalit sa mga tao dahil sa kanilang kalapastanganan.
Pinarusahan ng Dakilang lumikha ang mga tao. Nagdilim ang kalangitan at bumuhos ang napakalakas na ulan. Kaya’t bumaha ang buong kapaligiran. Ang lahat ng masasamang tao’y nangamatay at ang mga mabubuti na nakinig sa sugo lamang ang nakaligtas at naiwan. Nang tumigil na ang malakas na ulan at humupa na ang baha ay muling umaliwalas ang langit. Mula sa langit ay natanaw nila ang may isang arko ang lumitaw at nagtataglay ito ng iba’t-ibang mga magagandang kulay. Nagdasal ang mga mabubuting tao at tunay na nananalig sa Dakilang lumikha at ang arkong may iba’t-ibang kulay ay tinawag na “Bahag-hari.” At hanggang ngayon ay makikita natin lumalabas ang Bahag-hari matapos umulan ng malakas. Harahil paalala ito ng Diyos na kung tuluyang magiging makasalanan ang mga tao’y muling malilipol ang mga masasama.
ANG ALAMAT NG BAHAG-HARI
Maraming tao ang nagtataka at humahanga sa magagandang kulay ng bahag-hari. Subalit hindi nila matiyak ang totoong pinagmulan nito. Sabi ng mga matatanda na tuwing lalabas ang bahag-hari, nagbibigay ito ng pahiwatig sa tao. Makalipas ang ilang libong taon, maraming nilikha ang naghahari sa kalupaan. Ang pamumuhay nila ay naging masaya at ang bawat isa ay nagmamahalan.
Lumipas ang ilang taon, naiba ang takbo ng kanilang buhay. Naging makasalanan at gumulo ang mga tao. Naghari ang kasamaan, iilan lamang sa knaila ang naging mabubuting tao. Ang Dakilnag lumikha ay hindi na natiis ang nangyayari sa mundo. Isang araw nagpadala ito ng sugo para iparating sa mga tao na magsisi na sila sa kanilang mga kasalanan at magbago.
Hindi pinakinggan ng mga tao ang sugo na ipinadala, sa halip ay pinagtawanan at sinaktan pa ito. Ang Dakilang lumikha ay nagalit sa mga tao dahil sa kanilang kalapastanganan.
Pinarusahan ng Dakilang lumikha ang mga tao. Nagdilim ang kalangitan at bumuhos ang napakalakas na ulan. Kaya’t bumaha ang buong kapaligiran. Ang lahat ng masasamang tao’y nangamatay at ang mga mabubuti na nakinig sa sugo lamang ang nakaligtas at naiwan. Nang tumigil na ang malakas na ulan at humupa na ang baha ay muling umaliwalas ang langit. Mula sa langit ay natanaw nila ang may isang arko ang lumitaw at nagtataglay ito ng iba’t-ibang mga magagandang kulay. Nagdasal ang mga mabubuting tao at tunay na nananalig sa Dakilang lumikha at ang arkong may iba’t-ibang kulay ay tinawag na “Bahag-hari.” At hanggang ngayon ay makikita natin lumalabas ang Bahag-hari matapos umulan ng malakas. Harahil paalala ito ng Diyos na kung tuluyang magiging makasalanan ang mga tao’y muling malilipol ang mga masasama.
ANG TIYANAK
Si Isko ay isang magsasaka. Isang araw habang naglalakad mula sa kanyang tahanan patungong bayan upang mamili sa palengke ng mga gagamitin niya sa pagsasaka. Malayo-layo rin ang kanyang lalakbayin. Sa isang liblib na lugar na malapit sa may batis ay may narinig siyang isang malakas na iyak ng bata. Si Isko ay nagtataka kung papaano nagkaroon ng sanggol sa lugar na iyon. Hinanap niya ito hanggang sa ito’y kanyang natagpuan. Nagulat is Isko ng makita niya ang isang sanggol na hubo’t-hubad na nakahiga sa damuhan.
Dahil si Isko ay likas na maawain ay kinuha niya ang sanggol. “Sino kanyang ina na walang puso ang nag-iwan nito” sabi ni Isko. Naisip ni Isko na dahil sa bayan ang sanggol. Habang siya ay naglalakad, karga niya ang sanggol na patuloy ang pag-iyak, “Siguro ay giniginaw ang sanggol na ito,” ani Isko. Upang mabawasan ang ginaw ng sanggol ay kanyang binuksan ang pagkakabutones ng kanyang damit at ibinalot ang kawawang sanggol. Tumahan ang sanggol at ito naman ay ikinatuwa ni Isko.
Ilang saglit ang nakalipas ay nakaramdam si Isko na bahagyang kirot sa kanyang tagiliran. Ito’y sinawalang bahala niya sa pag-aakalang ni lalaro lamang ng sanggol ang kanyang sarili. Ilang sandali pa ay naramdaman niyang tila bumibigat ang sanggol. “kapag nagpatuloy pa ito ay ilalabas ko na sa loob ng aking damit.” Nang hindi na niya matagalan ay inilabas na niya ito at pinagmasdan. Ang gulat ni Isko ng kanyang makita na ang sanggol pala ay isang halimaw, nakakatakot ng itsura. Isang matandang duwende na mabalahibo, malalaki at matatalim ang ngipin. Kinagat ng duwende ang kaniyang tagiliran at nakapag-iwan ito ng malalim na sugat. “isa kang tiyanak.” Sigaw ni Isko at kaniyang inihagis ang tiyanak. “Ha! Ha! Ha!” halakhak ng halimaw. “Natikman ko rin ang iyong dugo.” Wika nito at ito’y biglang naglaho. Duguan ang tagiliran ni Isko. Kaya’t nagtungo siya sa bayan upang ipagamot ang kanyang sugat.
ANG KAMBING AT ANG UNGGOY
“Kumusta, kaibigang Unggoy?” bati ni Kambing.
“Mabuti,” matamlay na tugon ni Unggoy.” Kaya lang, niloloko ako ng punungkahoy na ito!” at itinuro ang isang malapit na puno.
“Bakit, anong ginawa sa ioy?” nagugulumihanang usisa ni Kambing.
“Pinalo ako ng kanyang mga sanga. Saka pagkatapos ay pagtatawanan.” Ang akala ni Unggoy ay magagalit si Kambing at ipagtatanggol siya. Pero hindi kumikibo si Kambing.
Pamaya-maya ay nagsalita si Kambing. “Alam mo, kung ako ikaw e hindi na ako kikibo. Sino ang mapapagod sa ginagawa niya, e di siya rin! Basta layuan mo na lang siya.”
“mabibigo yata ako,” sumaloob ni Unggoy. Pagkaraan ng ilang sandali ay tila may naisip na paraan upang pagalitin sa Kambing. Kunwa’y pinalaki ang dibdib at ang turing, “Mas mabuti ang merong karangalan! Kung lolokohin ka lang ng iba, mabuti pang mamatay ka na! kaya hindi ko mapalalampas ang ginawa ng punong iya. Maging ikaw man!”
“Ako mna?” pabiglang sagot ni Kambing. “At bakit? Ano’ng sinasabi niya tungkol sa akin?”
“Masyado ka raw mayabang. Ipinagmamalaki mo raw iyang sungay mo na balewala naman! Babaliin daw niya ang sungay mong iyan!”
Nagalit si Kambing. Na lihim na ikinatuwa ni Unggoy. Mapalalampas ni Kambing na maloko ang iba pero hindi siya. Wala pang nakasasalbahe sa kanya kahit sino. Saka ngayon, isang punungkahoy lang na hindi makalakad at ni hindi makatakbo, ay pagsasalitaan siya ng ganoon! Nagpapanting na hinarap ni Kambing ang punongkahoy. “Sinabi mo nga ba iyon?” tanong ni Kambing sa puno.
Niglang umihip ang hangin. Gumalaw-galaw ang mga sanga ng punongkahoy. At parang tumawa ito nang gumawa ng ingay ang mga sanga at daho. Lalong nagalit si Kambing. Ang akala ay talagang niloloko siya ng punongkahoy. Mabilis na yumuko at sinugod ang puno. Malakas na sinuwag ito. Subalit matigas ang puno. Ni hindi siya naano. Ang sungay ni Kambing ang nabali. Nagtawa ang Unggoy sa nakita. Napinsala niya si Kambing na lihim na kinainggitan dahil sa sungay nito. Wala na, bali na ang sungay ni Kambing.
Nagkataon namang sa darating
Ipinagtapat ni Kambing ang lahat. Wala siyang ipinaglihim.
Nang matalos ni baboy ang dahilan ay nagalit kay Unggoy kaya hinabol ito ng kagat. Pagkatapos, nang wala na si Unggoy, ay bumalik uli kay Kambing at ang sabi, “Tandaan mo, mula ngayon, huwag kang makikinig nang basta-basta sa sabi-sabi. Kailangan munang mapatunayan. Hindi mo baa lam na kaya lang sinabi ni Unggoy ay naiingit sa iyo?”
“Ganoon ba?” nabigkas ni Kambing.
“Oo, matagl ba. Kaya magtanda ka na mula ngayon. Ang nangyari sa iyo, ay magsilbi sanang isang aral.”
ALAMAT NG BUTIKI
Bagaman maliit pa sa darili ang butiki ay maituturing na katulong ng tao laban sa mga insektong pumapasok sa loob ng bahay. Hindi siya naninira ng anuman. At lalong hindi nananakit ng tao. Kaya, ang sinumang malagpakan o makapitan nito ay huwag titili o magtatatarang. Palisin lamang o ipagpag ang nakapitang damit at siya’y kusang mahuhulog.
Napansin ba ninyo na tuwing magtatakipsilim ay bumababa at humahalik sa lupa ang mga butiki, saan man sila naroroon? Alam ninyo ang dahilan? Naito…..
Noong araw, sa isang bayan sa katagalugan, ay may isang napakagandang binibini. Tawagin natin siyang Maria. Marami siyang manliligaw. Ang isa rito ay binatang bukid. Pangalanan naman natin siyang Tikyo.
“Totoo ba, Tikyo, na ipagkakaloob mo sa akin ang anumang bagay na mahiling ko sa iyo?” tanong ng dalaga minsang silang nagkausap ni Tikyo.
“Oo, sa abot ng aking kahirapan,” maagap na tugon ng binata.
“Kung gayo’y dalhin mo sa akin ang puso ng iyong na,” matalinghagang hiling ni Maria.
“Ngayon din! Ngayon din!” ani Tikyon na hindi na nag-isip pa. pagkapaalam ay nagtutumulin siyang umuwi. Magdarapit-hapon na
Pagdating sa kanila’y tuwiran niyang tinungo ang kusina. At dinampot ang naroong matalim na pisaw.
“Anak, me puto riyan sa pamingganan. Kumain ka,” masuyong wika ng kanyang ina nang maramdamang siya’y nasa kusina.
Hindi umimik si Tikyo. Sa halip ay marahang lumapit sa walang malay na ina. Hindi napansin ng matanda at sa isang kisap-mata’y natigpas ang leeg ng kahabag-habag na magulang. Ni hindi man nakapaghesusmariahosep ang sawimpalad na matanda.
Walang inaksayang sandali si Tikyo. Mabilis na biniyak ang dibdib ng bangkay at dinukot ang puso nito. Patakbo siyang pumanaong na hawak sa dalawang palad ang duguan, maliit, at halos pumipintig.
“A, ngayo’y tiyak na iibigin na ako ni Maria!” natutuwa niyang bulong. Subalit sa kanyang pagmamadali ay nadupilas siya sa hagdan. Bog! Kay lakas ng nalikha niyang kalabog.
Nasungabang siya. At sa pagkakadapa ay nabitawan ang puso. Tumilapon yaon. Tumayo siya upang yao’y pulutin. Ngunit anumang pagpipilit na gawin ay hindi na siya makabango. Sa gayo’y paggapang niyang nilapitan ang puso. Sa kanyang panggigilalas ay malumanay yaong nangusap.
“Anak ko, bakit ka gumawa ng ganito? Nalimutan mo na bang ako ang in among nagbigay sa’yo ng buhay? At nalimutan mo na bang may Diyos?...
“Ang inasal mo, Tikyo, ay kasumpa-sumpa. Dapat kang parusahan upang din a pamarisan!”
Nagsisi siya. Datapwat huli na ang lahat. Pinilit niyang abutin ang puso. Hahagkan niya yao’t hihingan ng tawad. Subalit nang maaabot na lamang niya ay biglang bumuka ang katapat na lupa at yao’y nilunon. Nagsalita siya ngunit walang namulas sa kanyang mga labi kundi mahinang “Tik-ki, tik-ki…”
Sa isang iglap, siya’y naging isang kakaibang munting hayop – Butiki.
Paggapang siyang pumanhik sa kanilang bahay. At nagsimulang humuli’t kumain ng maliit na insekto. Mula rin
ALAMAT NG SAGING
Sa isang nayon sa Bulakan, maraming-maraming taon na ang nakalilipas.
Mutyang-mutya sa mag-asawang Indo at Bebang ang kanilang kaisa-isang anak. Hangga’t maaari’y ayaw nilang pagawain ng anuman si Ana. Subalit ang likas na masipag na dalaga’y hindi nila mapigil tumulong sa mga Gawain sa bukid at sa loob ng bahay.
Palibhasa’y maganda, mabait at may-loob sa Diyos di-mabilang ang mga tagahanga ni Ana. Isa sa kanyang masugid na talisuyo ay si Aguedo.
Ulila nang lubos si Aguedo. Masipag siya, mabuting makipagkapwa, at mapagkumbaba. Hindi nga lamang siya kagandahang lalaki. Aging ang palayaw niya.
Mataas ang pangarap ni Mang Indo para sa kanyang “Prinsesa”. Ang nais niyang maging manugang ay isang binatang makisig at kung mangyayari’y anak-mayaman. Subalit si Aging din ang napili ni Anang pag-ukulan ng kanyang pagtatangi. Panakaw ang kanilang pag-uusap. Sa huli nlang pagniniig ay napagkasunduan nilang pagkatapos ng pag-ani, sa kabilugan ng buwan, ay pakakasal sila.
Galit nag alit si Mang Indo nang mabatid ang katotohanan. Mahigpit niyang iniutos sa anak na makipagkasira kay Aging.
“Patawarin ninyo ako, Ama, kung din rin lang si Aging ang makakaisang-palad ko’y magpapakatanda na akong dalaga.”
Nagsawalang-imik si Mang Indo. Ngunit umisip siya ng ibang paraan.
Isang gabing maliwanag ang buwan, samantalang nag-uusap ang magkasuyo sa tabi ng bintana ay bigla na lamang napaaray si Aging. Tinagpas ang kanyang kamay. Naputol yaon, Hinimatay si Ana.
Hindi naman nasiraan ng loob ang binata. Agaran niyang tinalian ng leteng ang itaas ng dumudugong bisig upang maampat ang daloy ng dugo. Gayunman siya ay nahilo sa dami ng dugong nawala. Nang muli siyang dumilat ay nasa kandungan na siya ng lumuluhang kasuyo.
“Sino kayang walang puso…ang tumasa sa’yong kamay?” humihikbing wika ni Ana.
“Baka i-isang ..k-karibak ko…”mang mahinang turing ng binata.
Wala silang kakutub-kutob na si Mang Indo ang tumagpas sa kamay ni Aging.
G-giliw,’ halos pabulong nang sabi ni Aging, “Kung sa-ka-ling… may mangyari… sa akin… ku-kunin mo’t …ingatan ang… a-aking p-puso!”
Lalong nag-iiyak si Ana. “Hindi! Hindi ka mamamatay, mahal ko!”
Datapwat patay na si Aging nang dumating ang albularyo. Natupad din ang kanyang habilin. Kinuha ang kanyang puso at isinilid sa isang garapon. Samantala, ang naputol na kamay ay itinago ni Ana.
Nang umuwi si Mang Indo at nakita ang pusong nasa garapon ay nagalit siya. “ayokong makita ‘yan dito! Itapon n’yo !” aniya.
Palihim yaong ibinaon ni Ana, kasama ang putol na kamay, sa tapat ng kanilang bintana.
Kinabukasan. Buong pagkamanghang nadungawan ni Ana ang isang naiibang halaman sa tapat ng kanilang durungawan. Ang mga bunga niyon ay dikit-dikit ay walang iniwan sa mga darili ni Aing. Sa dulo ng buwig ay nakalwait ang isang bagay na hugis-puso at alanganing pula at tila ang kulay.
“A, si Aging! Si Aging!” pahimutok na naibubulalas ni Ana.
“Anong siyaging?” magkapanabay na tanong ng nagulat na ama at ina.
“Si Aging ho. Hayun! Ang kanyang kamay! Ang kanyang puso!”
“Tawagin natin Siyaging ang halamanng ‘yan,” ani Aling Bebang.
Noong una’y walang ibig kumain sa bunga niyon. Ngunit nang lumaon may tumikim at nasarapan. At, nang lumaon, ang Siyaging ay nauwi na lamang sa SAGING.
ALAMAT NG PARU-PARO
Di umano, si Amparo at si Marcela ay ulilang magkapatid. Sa isang liblib na nayon, sa lalawigan ng Kabite, sila naninirahan. Si Amparo ang nakatatanda. Paro ang kanyang palayaw. Sela naman ang palayaw ng nakababata. Sila’y kapuwa dalagita na.
Ang ikinabubuhay ng magkapatid na maagang nangulila sa magulang ay pagtitinda ng mga inaaning gulay at bulaklak.
Magkasalungat ang kanilang ugali. Kung ano ang kasipagan ni Marcela ay siya rin namang katamaran ni Amparo. Ang kinahuhumalingang gawin ng huli ay pagsamyo sa mga bulaklak, paglalaro sa pampang ng ilog, at panonood sa mga nagliliparang ibon. Hindi niya iniintindi ang anumang Gawain sa bahay. Ni hindi siya maaasahang magdilig, maggambol, at mag-alis ng mga uod at kulisap sa mga halaman. Kinayayamutan din niya ang pagsasaing, ang paghuhugas ng pinggan, ang pagpupunas ng sahig, at iba pang gawaing-bahay. Anupa’t si Marcela ang gumagawa ng lahat.
At, tulad ng ibang “matigas ang katawan,” si Amparo pa ang may ganang magalit kapag nabalam ang kanilang pagkain.
“Ang bagal-bagal mo namang kumilos!” singhal niya kay Marcela. “Nakita mo nang gutom na ako’y hindi ka pa naghahain!”
“Pasensiya ka na, Paro,” malumanay na itutugon ng mapagpaumanhing si Sela.
Pag nakita naman ni Amparo na hindi masarap ang kanilang ulam ay agad nang magbubunganga.
“Ang pangit naman n gating ulam! At walang kalasang-lasa,” ani Paro.
“Hamo’t pagnakabenta ako ng maraming gulay at bulaklak ay ibibili kita ng masarap na pagkain,” ani Sela.
“Sawang-sawa na ako sa ganyang klaseng ulam!”
Nalagot na ang pisi ng pagpapaumanhin ni Sela. “Ikaw kasi, e, masyadong tamad. Kung tumutulong ka bas a akin, di kikita tayo ng mabuti-buti. At sa gayo’y masusunod mo’ng iyong maibigan.”
“Ha! Diyata’t ibig mo pa akong alilain! Hindi maari! Ako ang nakatatanda, kaya ang gusto kong masusunod,” at pagwika nito’y nagtutumuling pumanaog si Amparo. Dumaan siya sa kanilang hardin at pumitas ng isang rosas bago nagtuloy sa pampang ng ilog.
Napaiyak na lamang si Marcela sa inasal ng kapatid. Lumuluha siyang napaluhod sa harap ng kanilang munting altar. Mataimtim siyang nanalangin. Hiniling niya sa Bathala na pagbaguhin ang ugali ng kapatid.
Samantala, wiling-wili si Amparo sa pananalamin sa malinaw na tubig. Inilagay pa niya sa ulo ang bulaklak ng rosas. Dumukwang siya sa pampang iupang makita ang kanyang anyo. Subalit siya’y nawalan ng panimbang. Tuloy-tuloy siyang nahulog sa malalim na ilog.
Nagkataon namang dumarating na
“Paro! Paro…!’ sigaw niya habang lumalapit.
Ngunit hindi na lumitaw si Amparo. Nagpagibik si Sela. At nagdatingan naman ang maraming tao. May sumisid at kumapa sa ilalim ng tubig. Datapwat hindi na nakita ang lumubog na dalagita.
Habang nagmamasid at naghihintay ng mangyayari, nakita ng mga taong nasa pampang ang isang bulaklakna lumitaw sa lugar na kinalubugan ni Amparo. Ang bulaklak ay unti-unting gumalaw at nagbago ng anyo. Unti-unti ring nagkapakpak na may sar-saring kulay. At pagkuwa’y lumipad.
Sinundan nina Marcela ang mahiwagang bagay na lumilipad. Yao’y tuwirang nagtungo sa kanilang hardin, nagpalipat-lipat sa mga bulaklak, at humahalik sa bawat isa.
Kinabahan si Marcela. At wala sa sarili’y nabigkas niya ang “Paro! Paro….!
Ang marikit at makulay na insekto at tinawag ng mga tao na PARU-PARO - ang kasuyo ng mga bulaklak.
ALAMAT NG DAPO
Nakakita nab a kayo ng dapo? Ito’y nabibilang sa pamilya ng halamang kumakapit at umaasa sa ibang puno. Sa loob ng maraming taon, ang dao’y nagkaroon ng iba’t-ibang hugis, kulay at anyo. Narito ang isang alamat ng dapo…
Maligaya ang mag-anak na Andoy. Bagaman hindi sila nakaririwasa ay di naman masasabing naghihikahos. Pagsasaka, pangmamanukan, at pangangahoy ang kanilang ikinabubuhay. Iisa ang supling ng angkan, si Mario, na mag-aanim nang taon.
Isang araw. Samantalang si Mang Andoy ay nasa gubat, na malapit lamang sa kanila, ay makarinig siya ng iyak. Isang batang halos kasinlaki’t kasinggulang ni Mario ang kanyang nakita. At hayun! Isang sawa ang handa nang lumingkis dito. Maliksing kumilos si Mang Andoy. Sa isang unat-kilikiling taga’y napigtas niya ang ulo ng nakabiting sawa.
Daproso ang pangalan ng bata, ulila nang lubos, at nabubuhay nang pagayun-gayon lamang. Sa habag ng butihing mag-anak ay inampon na nila ito.
Nagmahalan namang parang tunay na magkapatid si Mario at si Dapo – ang palayaw na kanilang ibinigay.
Maraming taon ang dumaan. Sabay na nagbinata ang dalawa. Minsan, sa kanilang pamamasyal sa bayan ay nakilala nila si Aida, isang magandang binibining pinipintuho ng maraming binata.
“Liligawan ko si Aida. At oras na umoo’y pakakasal kami. Anong palagay mo, ha, Dapo?” isang gabi’y naihayag ni Mario sa kapatid.
“Ha! E, bakit? Oo! Sigi!” ang di-magkandatutong bigkas ni Dapo.
Sa halip matuwa’y nalungkot si Dapo. Umiibig din siya kay Aida. Ang totoo’y napagtapatan na iya ito. Subalit si Mario rin ang naging mapalad. Isang maitim na balak ang nagsupling sa puso ni Dapo.
Lumipas ang maraming araw. Maligaya si Aida sa piling ni Mario at ng mga biyenan. Sa isang dako naman ay patuloy si Dapo sa lihim na paghahanda.
Isang umaga, sa loob ng gubat. Matiwasay si Mariong namumulot ng mga tuyong sanga nang bigla na lamang siyang paluin ni Dapo sa ulo. Nalugmok siya’t nawalan ng malay-tao.
“A, sa wakas ay masasarili ko na rin si Aida!” anang traidor na umasang lalamunin si Mario ng naglisaw na hayop sa gubat. Nagtutumulin siyang umuwi. At pagdaka’y tinangkang pagsamantalahan si Aida.
Nanlaban ang nabiglang si Aida. Sumaklolo ang mag-asawang Andoy. Subalit walang pakudangang pinatay ni Dapo ang dalawang kulang-palad na matanda. Tumakas si Aida at nagtago sa gubat. Ngunit nasundan din siya ng halimaw na si Dapo. Masusukol n asana siya ang isang sawang-bitin ang kagyat na pumulupot sa katawan ng hudas. Bangkay na si Dapo nang masadlak sa isang malakin sanga. Napaluha rin si Aida. At pagkuwa’y lumayong litung-lito. Sa paglalakad niya’y anuba’t nasumpungan ang nakabulagtang asawa. Pinagyaman niya si Mario. Nang matauhan ito’y tinungo nila ang punong kinasadlakan ng bangkay ni Dapo.
Nagtaka sila. Wala na roon ang katawan ni Dapo. Sa halip ay isang halamang may tila-ahas na ugat na nagyuyumakap sa sanga ang kanilang natingala. Hindi nila makuro ang kanilang nakita.
Lalong nanggilalas ang mag-asawa nang pagkaraan ng ilang linggo’y nakita nilang napakalago na ang halamang nakisuno lamang. Tigib yaon ng mala-ahas na mga ugat na nakapulupot sa buong katawan ng punong ngayo’y unti-unting nang namamatay.
“Ang halamang iyan ang katauhan ni Daproso – nakikisuno, lumilingkis, at pumapatay!” patalinghagang nasabi ni Mario sa asawa.
Mula noo’y lumaganap na ang kakaibang halamang itong kinatatakutan at pinangingilagan ng ibang puno. At mula noo’y nakilala na rin sa tawag na DAPO.
BAKIT UMAAKYAT SA HALAMAN ANG SUSO
Di-umano, noong bata pa ang daigdig, ang mga hayop ay sama-samang naninirahan sa isang bayan-bayanan. Sa isang munting bahay ay nagkasundong magsama ang magkakaibigang dalag, tutubi, putakti, at suso.
Napagkaisahan ng apat na hatiin ang mga gawaing-bahay nang ayon sa kani-kanilang lakas at kakayahan. Si Dalag, na siyang pinakamaliit at pinakamalakas sa kanila, ang ginawang pinakapuno ng sambayanan. Bilang puno’y tungkulin niyang humanap ng kanilang pagkain.
Si Tutubi ang nahirang na maging sugo sapagkat siya ang pinakamatulin sa kanilang lahat.
Dahil naman sa kanyang kamandag na kagat, si Putakti ang napiling maging tanod. Bukod sa pagiging bantay, siya rin ang magkukumpuni ng anumang sira ng pira-pirasong lupa at iba pang sangkap sa bahay.
Si Suso ang naatasang maging tagapagluto dala ng kabagalan.
Isang araw ay maagang humanap si Dalag ng kanilang maiuulam. Sa paglangoy niya nang paroo’t parito sa pagitan ng mga halamang-tubig ay nakatanaw siya ng isang bagay na gumagalaw sa ibabaw ng tubig. Lumapit siya at nakitang isang matabang palaka ang kumakawag. “
Subalit, laking kasawian. Isa palang munting kawit na may sima ang nakakabit sa palaka. Anumang palag ang kanyang gawin ay hindi siya makahulagpos sa tagang tumimo sa kanyang ngalangala. Di nagtagal ay may dumating na isang mangingisda. Dinakma siya at isinilid sa buslo. At pagdating sa kanyang kubo’y iniluto ng mangingisda si Dalag.
Mangyari pa, nainip sa paghihintay ang mga kasambahay ni Dalag. Sa pag-aakalang naligaw lamang, inatasan ng magkakasama si Tutubi upang siya’y hanapin.
Bago lumakad ay mahabang oras munang inayos ni Tutubi ang kanyang kurbata. Lipad dito, lipad doon ang kanyang ginawa. Sa paghahanap niya’y nakita si Bolasi, isang isdang labas-masok ang bural na labi. Nagalit si Tutubi. Akala niya’y pinagtatawanan ni Bolasi ang kanyang kurbata. Inisip niyang baka maluwag ang pagkakatali ng kurbata kaya hinigpitan ito. Gayunman’y patuloy pa rin ang pagtawa ni Bolasi tuwi silang magkakaharap. Sa gayo’y patuloy rin ang paghigpit ni Tutubi sa kanyang kurbata. Sa kahihigpit niya’y naputol ang kanyang leeg.
Dalawang araw na ang nakararaan ay wala pa rin si Dalag at si Tutubi. Gutom na gutom na si Putakti at si Suso. Si Putakti ang higit na nakakaawa sapagkat hindi maaaring kumain ng putik na tulad ni Suso. Nang sukdulan na ang kanyang kagutuman ay lumipad si Putakti upang hanapin si Dalag at si Tutubi. Naging maliit na maliit na ang kanyang baywang dahil sa patuloy niyang paghihigpit ng sinturon. Habang lumilipad ay pahapdi ng pahapdi ang kalam ng kanyang sikmura. Dahil sa paghihigpit niya ng sinturon, siya ay namatay.
Napag-isa si Suso. Tinangka niyang hanapin ang mga kasama. Habang daa’y lumuluha siya. Sa paghahanap niya’y putik lamang ang kanyang kinakain. Tuwing makakikita siya ng puno ng damo o kaya’y tangkay ng anumang halamang-tubig ay pagapang niyang aakyatin. At siya’y tatanaw sa buogn paligid. Buo ang kanyang pag-asang makikita ang sinuman sa mga kaibigang nawawala.
Hanggang sa ngayon, ang mga Suso’y patuloy na naghahanap na lumuluha. Ang malagkit at malapot nilang luha’y nakaguhit sa kanilang dinaraanan. At tuwi namang makatatagpo ng puno ang damo o halamang nakaungos sa ibabaw ng tubig ay inaakyat ito. At mula rito’y tatanaw sa lahat ng dako sa pagbabasakaling masumpungan an pinaghahanap ng mga kasambahay.